Paano
Ba Maiiwasan Ang Stress Ng Mga Biik (Para Mas Bumigat Ang Mga Baboy Mo)?
Malaki ang epekto sa bigat ng baboy kapag sila ay naiistress. Maari itong magdulot ng sakit o
maging dahilan ng paggaan ng baboy at kawalan ng gana sa pagkain.
Ang magaling na nagbababoy ay alam
ang mga gagawin upang mabawasan ang stress sa kanyang mga alaga.
![]() |
Real Time Weaning |
Ang stress ay kadalasang nararanasan ng mga biik dahilan ng pagwawalay, paglilipat ng kulungan o pagsama
sa ibang baboy na hindi nila kapatid,
pagtuturok, o paghawak.
Ano ang mga dapat gawin upang
mabawasan ang stress? Magandang tanong
yan, ka-AGREECulture! Sa article na ito ay sisiguruhin naming alam mo na
kung paano mababawasan ang stress ng iyong mga alaga (para sa mas malaking
kita) pagkatapos mo itong basahin.
Mga paraan upang mabawasan ang
stress ng mga baboy:
- Siguruhin na may magandang management plan ang iyong pagaalaga.
- Pumili lamang ng mataas na quality ng feeds na gagamitin at wag kakalimutan gumamit ng booster at pre-starter. (TIP: Hindi lahat ng mahal na feeds at may commercial ay nakakatulong sa pagbigat ng baboy mo.)
- Sa magandang klaseng feeds, naiiwasan ang diarrhea.
- Iwasan ang pagtuturok sapagkat ito ang pinakadahilan ng stress.
- Hanggat maaari, iwasan hawakan ang mga biik.
Hanggad naming na mas kumita kayo ng malaki sa inyong mga
babuyan kaya’t makakaasa kayo na mas pagbubutihin pa naming ang pagbibigay sa
inyo ng mga makabuluhang mga impormasyon.
Sama-sama tayo para sa mas malaking
kita, AGREECulturist!
![]() |
Turning Hog Raisers Into Businessmen |